FILIPINO: Bokabolaryo
A.
baybayin bundok burol dantaon
kasaysayan kongreso karagatan kalayaan
pamahalaan nasyon likas-yaman
_____1. Ang mga pangyayari noong nakaraan (history).
_____2. Pagiging malaya (freedom).
_____3. Gilid o pampang ng dagat (shore or coastline).
_____4. Isang bansa o ang mga mamamayan nito (nation).
_____5. Mataas na anyong lupa (mountain).
_____6. Isang daang taon (century).
_____7. Anyong lupa na mas mababa sa bundok (hill).
_____8. Isang sistema ng pamamahala (government).
_____9. Ang sangay ng gobyerno na gumagawa ng batas (congress).
_____10. Mga yamang mula sa kalikasan, tulad ng bundok at karagatan
(natural resources).
B.
kapatagan alikabok bulaklak pagsabog ng bulkan
karagatan lupa yumayabong puno
_____1. Maliit na dumi na lumulutang sa hangin (dust).
_____2. Bahagi ng halaman na may kulay (flower).
_____3. Malawak na bahagi ng tubig-alat (ocean).
_____4. Malawak na lupa na patag at mababa (plain).
_____5. Ang ibabaw ng mundo (earth/soil).
_____6. Pagputok ng bulkan (volcanic eruption).
_____7. Isang mataas na halaman na may katawan at sanga (tree).
_____8. Lumalaki o umuunlad nang maayos (to flourish or thrive).
C.
magsanib gumalaw maglathala magnilay-nilay
tumikhim umilag makakita
_____1. Kumilos o gumalaw mula sa kinatatayuan (to move).
_____2. Maglimbag o mag-imprenta (to publish).
_____3. Mag-isip-isip nang malalim (to meditate or ponder).
_____4. Magsama-sama (to unite or join forces).
_____5. Tingnan o makita (to see).
_____6. Umubo-ubo nang bahagya (to clear the throat).
_____7. Umiwas o lumayo (to dodge or avoid).
D.
tahimik mabait matapang katapatan
mabagal payak wagas masipag
_____1. Ang pagiging totoo (honesty).
_____2. May magandang ugali (kind).
_____3. Marahang gumalaw (slow).
_____4. Masikap at matiyaga (diligent).
_____5. Walang takot (brave).
_____6. Simple; hindi magarbo (simple).
_____7. Walang ingay (quiet).
_____8. Tunay o dalisay (genuine or pure).
E.
nagsusunog ng kilay bukas-palad magkibit-balikat maluwag ang turnilyo walang kaabog-abot balat-sibuyas
_____1. Madaling masaktan (onion-skinned; sensitive).
_____2. Matulungin o mapagbigay (generous).
_____3. Magwalang-kibo o hindi pinansin (to shrug one's shoulders).
_____4. Hindi matino o sira ang pag-iisip (lacking a screw loose; crazy).
_____5. Nag-aaral nang mabuti (burning the eyebrows; to study hard).
_____6. Bigla-bigla o agad-agad (suddenly).
FILIPINO IV: Gramatika
Pangngalan
Ang pangngalan (noun) ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook o lugar, hayop at pangyayari.
tao |
bagay |
pook / lugar |
hayop |
pangyayari |
Jose |
baso |
Oton |
unggoy |
Pasko |
karpintero |
bahay |
parke |
langaw |
Bagong Taon |
doktor |
gunting |
SM City Iloilo |
pagong |
pista |
Uri ng Pangngalan Ayon sa Tiyak o Di-tiyak na Ngalan
Ang pangngalan ay maaaring uriin batay sa kung ito ay tumutukoy sa tiyak o di-tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Nahahati ito sa dalawang uri:
Pantangi (Proper Noun)
Ang pangngalang pantangi ay tumutukoy sa tiyak na pangalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Ang mga pangngalang ito ay kakaiba o natatangi at karaniwang nagsisimula sa malaking titik upang ipakita ang pagiging espesyal o eksklusibo ng tinutukoy nito.
Halimbawa:
Tao: Jose Rizal, Maria Clara
Lugar: Maynila, Pilipinas
Bagay: San Juanico Bridge, Eiffel Tower
Pangyayari: Pista ng Nazareno, Araw ng Kalayaan
Pambalana (Common Noun)
Ang pangngalang pambalana ay tumutukoy sa pangkaraniwang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Hindi ito tumutukoy sa isang tiyak o natatanging pangalan. Karaniwang nagsisimula sa maliit na titik, maliban kung ito ay nasa simula ng pangungusap.
Halimbawa:
Tao: guro, doktor, bata
Lugar: lungsod, bayan, paaralan
Bagay: libro, mesa, bulaklak
Pangyayari: kasal, pista, pagdiriwang
Uri ng Pangngalan Ayon sa Katangian
Tahasan o Konkreto
Ito ay tumutukoy sa mga pangngalang nahahawakan, nakikita, naaamoy, nalalasahan, o naririnig.
Halimbawa: aso, mesa, guro, puno, ilog.
Di-tahasan o Basal
Ito ay mga pangngalang hindi pisikal o hindi nahahawakan. Tumutukoy ito sa mga damdamin, ideya, o katangian.
Halimbawa: pagmamahal, galit, katarungan, kalayaan.
Lansakan
Ito ay mga pangngalang tumutukoy sa pangkat o kalipunan ng tao, hayop, bagay, o pangyayari.
Halimbawa: klase, hukbo, pamilya, kawan, gubat.
Kasarian ng Pangngalan
Ang pangngalan ay may iba’t ibang kasarian. Ibig sabihin, maaari itong tumukoy sa lalaki, babae, hindi tiyak kung lalaki o babae, at bagay na walang kasarian.
Pangngalang Panlalaki
Tumutukoy sa ngalan ng mga lalaking tao at hayop.
Halimbawa: ama, kuya, binata, tandang, batang lalaki
Pangngalang Pambabae
Tumutukoy sa ngalan ng mga babaeng tao at hayop.
Halimbawa: ina, ate, dalaga, inahin, batang babae
Pangngalang Di-tiyak
Tumutukoy sa ngalan ng tao o hayop na maaaring lalaki o babae.
Halimbawa: guro, doktor, kapatid, kaibigan, mananayaw, bata
Pangngalang Walang Kasarian
Tumutukoy sa mga bagay na walang buhay o walang kasariang tinutukoy.
Halimbawa: mesa, upuan, bag, paaralan, papel
Bilang ng Pangngalan
Ang pangngalan ay maaaring nasa dalawang bilang:
Isahan
Tumutukoy sa iisang tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari.
Halimbawa: aklat, lapis, guro, bata
Maramihan
Tumutukoy sa mahigit sa isa o maraming tao, hayop, bagay,
pook, o pangyayari.
Karaniwang idinaragdag ang "mga" bago ang pangngalan o kaya’y binabago ang anyo ng salita upang maging maramihan.
Halimbawa: mga aklat, mga lapis, mga guro, mga bata
Pagsusulit:
Bahagi A – Piliin ang Tamang Sagot
Piliin ang tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang pangngalang tahasan/konkreto?
a. kalayaan
b. pag-ibig
c. mesa
d. kasipagan
2. Alin ang halimbawa ng pangngalang basal/di-tahasan?
a. aso
b. ilog
c. lungkot
d. guro
3. Alin ang tumutukoy sa pangkat o kalipunan?
a. pamilya
b. nanay
c. bata
d. puno
4. Ang salitang ate ay anong kasarian ng pangngalan?
a. panlalaki
b. pambabae
c. di-tiyak
d. walang kasarian
5. Ang salitang guro ay anong kasarian ng pangngalan?
a. panlalaki
b. pambabae
c. di-tiyak
d. walang kasarian
6. Alin sa mga sumusunod ang pangngalang walang kasarian?
a. bata
b. lapis
c. tatay
d. nanay
7. Alin ang pangngalang nasa isahan?
a. mga puno
b. kaibigan
c. mesa
d. mga lapis
8. Ano ang maramihan ng salitang aklat?
a. mga aklats
b. aklatan
c. aklats
d. mga aklat
Bahagi B – Tukuyin
Isulat kung ang salitang may salungguhit ay Tahasan/Konkreto, Basal/Di-tahasan, o Lansakan.
1. Ang buong klase ay nagtulungan para sa proyekto.
2. Malaki ang naidudulot ng katarungan sa lipunan.
3. May bagong aso si Marco.
Bahagi C – Kasarian ng Pangngalan
Isulat kung Panlalaki, Pambabae, Di-tiyak, o Walang Kasarian.
1. prinsipe – ____________
2. kapatid – ____________
3. ilaw – ____________
Bahagi D – Isahan o Maramihan
Tukuyin kung ang pangngalan ay nasa Isahan o Maramihan.
1. mga silya – ____________
2. ibon – ____________
3. mga bata – ____________
Bahagi E – Pagbuo ng Pangungusap
Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang bawat uri ng pangngalan:
Tahasan/Konkreto – _______________________________________
Basal/Di-tahasan – ________________________________________
Lansakan – ______________________________________________
Kabuuang Puntos: 20